|
Sugal
Ng Buhay
Paul
O. Pruel
Unang
linggo ng Pebrero
Umaga
ng Sabado
Sa
Ultra'y nagkagulo
Mga
sigaw umalingawngaw
Mula
sa libo-libong tao…
Sila'y
nag-uunahan at nagtutulakan
Nagpupumilit na makapasok sa pintuan
Nguni't sadyang mailap ang kapalaran
Bumulagta ang karamihan
Inapakan, hanggang sila'y bawian ng buhay…
Ang
dating masayang umaga
Ay
nabalutan ng kalungkutan
Iba't-ibang damdamin ay nailarawan
Katulad ng pagkamuhi, pagkasuklam at sisihan
Sa
nangyaring trahedya na kailan man 'di inasahan…
Ang
Ultra'y naging libingan
Ng mga
nasawing mamamayan
Na
naghangad ng magandang kinabukasan
Isinugal buhay nila't kapalaran
Na
nagwakas sa kandungan ni kamatayan…
Iyon
ay karanasan na 'di basta makakalimutan
Ng mga
naiwang pamilya't buong sambayanan
Pati
ang Santo Papa sa Roma'y natigilan
Nabigla sa nasaksihang pangyayari
At
nag-alay ng maikling dasal para sa mga nasawi…
Kailan
man 'di maitatago ang katotohanan
Na ang
kawalan at kahirapan ang dahilan
Kaya
libo-libong tao'y sa Ultra'y nagdagsaan
Nagbakasali't isinugal ang kapalaran
Kung
sakaling suwertihin gaganda ang kinabukasan…
Noon
malimit kong marinig ito: "Heto isang kahig, isang tuka"
Ngayon
iba na: "Heto sampung kahig, walang matuka"
Ang
trahedyang kumitil ng maraming buhay
Sana
magsilbing panawagan sa pamahalaan
Na
masolusyunan ang ugat ng lahat ng ito: Ang Kahirapan!
_______________
Paul
writes from
Riyadh, Saudi Arabia. He took up his one-year creative writing course
training with The Writers Bureau in Manchester London, by mail in 1999
and another one-year in Journalism and Short Story Writing course
training with the (ICS) International Correspondence School, PA, USA by
mail in 2000. He's working at Kawasaki Helicopter Services (SA) Ltd. in
Saudi Arabia in the position account analyst for about nine years on.
|