Aga na-----
nagtukturaok ang tubod sa dya-ag
kag ang silak ng adlaw
nagtamwa sa madakmoy nga panganod sa langit.
Bitbit ang kawit
takyos ang buktot nga sanggot
kag ang tangayan sa kilid ng baiw-ang
nagsakyat sa tilhang ng niyog
kag nagpungko sa naghapay nga pakyang
kag guinhuwad ang gabuya nga tuba
halin sa sayod nga may gunot
pakatdo sa kawit.
Guinkuyagi ang
madakmoy nga kuyaba
kag guinpatik ng kuyagi
a payot nga pakyang
guinguhod and buyok
nang maduyot nga sanggot
kag liwat guinbalik ang sayod.
Sa kawit naga-agaw ang kapait kag aslom
ng tuba na guinpakutom ng tangay.
Ang dama nga may
palis
nga uway yadto sa merkado
guinapuntukan ng mga regatonero
kay ang tuba waya guid pagpaig
--------hasta pag-abot ng hapon
ROMBLON - ANG BAYANG MAHAL
Sinabog ng araw
mula sa silangan
Ang busilak na sinag sa baying sinilangan
Mga pulong nililok sa gitna ng karagatan
Ng Makapangyarihang kamay ng dakilang Maykapal.
Karagatang malawak
at luntiang kabundukan
Saan man wariin at kayang pagmasdan
Wala ng dadaig pa sa bayang kinagisnan
Dahil nag-iisa ang Romblong minamahal.
Ang tanyag na
marmaol sa kanyang kandungan
Makinis ang sutla, matingkad ang kulay
Malamig sa haplos at dantay ng palad
Matatag ang dibdib, may tikas na taglay.
Dalampasigang
puti na kayakap ng alon
Nagtatarikang burol sa ulap nakatuon
Mamamayang masigasig, may takot sa Poon
Iyan ang bayan ko, ang mahal na Romblon.
Lumipas man ang
araw ng bawat panahon
Saan man mapunta ng aking nilalayon
Ako ay babalik sa piling mo, o' Romblon
At sa iyo hihimlay sa habang panahon