| Archives |
Ni Paul Pruel
Riyadh, KSa
Nangangatog ang kaniyang buong katawan
Sumisigaw siya ngunit walang lumalabas
Na mga kataga mula sa kaniyang bibig
Pakiramdam nyay may bagay na matigas
Na nakakalso sa kaniyang lalamunan
Nagsisikip ang kaniyang dibdib
At ang pintig ng kaniyang puso
Ay parang tambol na dumadagundong
Dahil sa takot na baka iputok sa kaniya
Ng mga salarin ang nakakasang baril
Ang kaniyang mga matay naging bukal
Ng kristal na tubig at dumaloy ito pababa
Sa kaniyang mapupulang mga pisngi
At sa kaniyang mga labi na nangangatal
Na datiy pula at ngayoy mapuputla na
Hindi niya mapigilan ang pagdaloy nito
Gumapang hanggang sa kaniyang dibdib
Pumikit siya nang mahigpit at umasang
Na hindi sila tuluyang malalaglag
Ngunit ang pagdausdos nitoy di naawat
Wala siyang magawa kung di ang ipaubaya
Sa mga kawatan, subalit napapaso siya
Sa twing dumadaiti ang kanilang matitigas
Na mga daliri sa kaniyang malambot na balat
Habang nililimas ang kaniyang ari-arian!