| Archives |
SI MARCOS AT ANG KANYANG GURONG BANTOANON
ni Kristoffer R. Esquejo[1]
Ang katagang martial law babies ay tawag sa isang henerasyon na ipinanganak" lumaki at tumanda na iisa lang ang pangulong kilala at ito si Ferdinand Marcos. Sa kabila ng samut saring paninira sa kanya tulad ng nakaw na yaman" abuso sa karapatang pantao at iba pa" si Marcos ay itinuturing pa rin ng marami bilang the most brilliant president ng bansa. Tumagal siya sa kapangyarihan sa loob ng 21 taon at hanggang ngayon ay maraming namanang tatak ng pag-unlad at suliranin ang mga sumunod na administrasyon sa kanya.
Sa aking tesis di-gradwado na Gabriel F. Fabella: 1898-1982" aking napag-alaman na habang nagtuturo si Fabella bilang propesor ng kasaysayan sa UP Padre Faura bago ang giyera" kanya palang naging estudyante ang nooy isang mag-aaral ng batas na si Marcos. Tubong Banton" si Fabella ay nakilalang terror na guro dahil na rin siguro sa kanyang dinaanang hirap sa buhay at mataas na pagpapahalaga sa edukasyon. Ang pagtatagpo ng dalawa ay maaaring naganap noong hindi pa nahalal ang una bilang Kinatawan ng Romblon at hindi pa nakasuhan ang huli ng kasong pagpaslang kay Julio Nalundasan" ang kalaban ng kanyang ama sa pulitika sa Ilocos Norte.
Nang pangulo na si Marcos" kanyang inamin sa talumpating History and National Progress (Historical Bulletin 11" no. 4 (December 1967): 354-352.) ang ginawang pagpapahirap sa kanya ng nasabing terror na guro. Ganito ang kanyang pag-amin: You cannot understand perhaps the paradox of the situation. Professor Fabella for instance" the president emeritus (PHA)" used to make me study far into the late hours. He used to have the habit of assigning one whole volume everyday to me" especially to me. I dont know why he picked on me" but I presume that he knew I was training for the presidency. But he used to lecture to us and he used to make me sit down there" even if he knew that I knew all the answersSo now" I have the happy privilege of making him sit down and listen to me while I deliver my piece. And so I do savor this moment and this occasion.
Ang nabanggit na pagpapahirap ni Fabella sa kanya ay itinuring niyang positibo dahil natutunan niya umano sa mga aklat pangkasaysayan kung paano umuusbong at bumabagsak ang mga imperyot kaharian. Matatandaang kilala daw si Marcos sa pagkakaroon ng photographic memory kung kaya madali siyang makasaulo ng aklat" talumpati o anumang babasahin. Tila itong pagpapahirap umano ang dahilan kaya nabuo sa isip ni Marcos na maging diktador sa hinaharap na tinawag niyang constitutional authoritarianism o guided dictatorship.
Ayon kay Dr. Gloria Santos ng PHA" hindi nawala ang galang ni Marcos kay Fabella dahil maaaring pumunta ang huli kasama ang iba pang guro ng UP sa Malacaang ng kahit anong oras. Ang diktador pa nga daw mismo ang kumukuha ng panyolito para punasan ang upuan ng kanyang dating guro dahil ayaw nito ng upuang maalikabok dati pa man.
| Blog Comments | ||||||||||||
|
4/9/2009 4:49:04 PM
| ||||||||||||
|
6/28/2009 3:47:22 PM
| ||||||||||||
|