Archives
News

« on: November 11, 2009, 05:29:16 PM »







UNLIQUIDATED CASH ADVANCE
SA RSU UMABOT NG P3,477,570.19
 newspaper



Odiongan - Nangunguna ang pangalan ni Ginang Violeta Maulion, chief, Administrative and Internal Control Unit, ng Romblon State University (RSU) sa listahan ng humigit-kumulang limampu (50) na mga opisyal at empleyado ng naturang unibersidad na may pinakamalaking cash advance as of December 31,2008, base sa Annual Audit Report ng COA.

 Ayon sa kopya ng COA report 2008 na nakalap ng pahayagang ito, si Ginang Maulion ay may kabuuang unliquidated cash advance na umaabot ng halagang P1,125,377.94 pesos.  
  
 Batay pa rin sa record, bago matapos ang taong 2007, may previous cash advance pa na halagang P68,762.20 pesos si Ginang Maulion at noong pumasok ang taong 2008 ay nagbayad lamang ito ng P34,019.60 doon sa naturang halaga kung kaya may balanse pa umano ito doon sa kanyang cash advance na P34,742.60 pesos.
  
 Ayon sa bahagi ng Comments/Observations and Recommendations -- Unliquidated Cash Advances na isinagawa ng COA, nakasaad dito na: "Advances to officers and employees of P3,477,570.19 or 82% out of the total P4,229,347.90 as of December 31,2008 remained outstanding contrary to COA Circular No. 97-002 dated February 10,1997."
  
 "1.) COA Circular No. 97-002 dated February 10,1997 provides for the regulations on the granting, utilizations ang liquidation of cash advances. It states that no additional cash advance given to him is first settled or a proper accounting  thereof is made. It further provides that when a cash advance is no longer needed or has not been used for a period of two (2) months, it must be returned or refunded immediately to the collecting officer.
  
 2. Failure to comply herewith shall constitute a ground for the withholding of the payment of any money due erring officials/employees as provided for by COA Circular No.97-002, dated February  10,1997 and a prima facie presumption under Article 217 of the Revised Penal Code that they have malversed the funds to their personal use and benefit."  
 
Ayon pa rin sa Annual Audit Report ng COA, kahit na may balanse pa noong taong 2007, nakakuha pa rin ng panibagong cash advance si Ginang Maulion na umaabot ng halagang P1,090,635.34 pesos noong nakaraang taon at base sa record, as of December 31, 2008, mayroong siyang (Maulion) kabuuang cash advance na P1,125,377.94 pesos sa nasabing unibersidad.
  
Ayon pa rin sa bahagi ng Comments/Observations and Recommendations ng COA, nakasaad dito na: "The accumulations of cash advances as of December 31, 2008 violates the provisions of COA Circular No. 97-002 which requires the settlement of previous cash advance before additional cash advance be granted."
  
Ayon sa natuklasan ng COA, naging maluwag ang pamunuan ng RSU, dating RSC, sa pagbibigay ng cash advances sa mga opisyal at empleyado kahit na may mga previous balance pa ang mga ito.
    
Nakatala sa ibaba ang sampung (10) opisyal at empleyado ng RSU, mula sa kabuuang 50 (officers and employees) na may pinakamalalaking cash advances as of December 31, 2008:
 
  1. )Violeta Maulion  - - - - - - - P1,125,377.94

   2.) Antonio Casinto - - - - - - -  P  694,329.00

   3.) Jeter Sespeñe   - - - - - - -  P  575,456,12

   4.) Noel Guerra      - - - - - - -   P  145,598.90

   5.) Tomas Faminial - - - - - - -  P  123,648.50

   6.) Arnulfo de Luna - - - - - - -  P 115,856.89

   7.) Idella Formilleza - - - - - - - P 110,058.80

   8.) Emelyn Montoya - - - - - -   P 56,495.48

   9.) Irvileo Ferrancullo, Jr. - - -  P 51,490.77

  10.) Erly Moreno        - - - - - -   P49,085.00

    

Ayon naman kay Ginang Violeta Maulion ng kunan ng pahayag ng Romblon Sun, sinabi nito na kaya umano umabot ng ganoon kalaki ang kanyang cash advances ay dahil ang iba umano doon ay ginamit ng mga Future Farmers Organization. Siya lang umano ang nagca-cash advance dahil bonded official siya ngunit hindi lamang umano siya (Maulion) ang gumagamit ng  nasabing halaga.
    
Sinabi rin ni Ginang Maulion na liquidated na umano ang kanyang mga cash advances dahil nakapag-remit na umano ng kanilang bayad ang mga organisasyon na nagpa-cash advance sa kanya.
  
Nang tanungin naman kung bakit nakapag-cash advance ito kahit na may balanse pa noong nakaraang taon, sinabi ni Ginang Maulion na internal agreement na umano nila ito ng pamunuan.
  
Napag-alaman naman na si Ginoong Antonio Casinto, pangatlo sa sampung may pinakamalaking unliquidated cash advances na umaabot ng halagang P694,329.00 ay namayapa na at hindi pa naaayos ang kanyang bayarin habang sinusulat ang balitang ito.
  
Maaalala rin na si Ginang Idella Formilleza, dating presidente ng nasabing unibersidad,  ay matagal ng nagretiro ngunit may cash advance pa na umaabot sa halagang P110,058.80 pesos.
  
Nang tanungin si Ginang Violeta Maulion tungkol sa cash advance ni Ginang Formilleza, sinabi nito na may usapan na umano sila na i-withheld muna ang ibang benepisyo ng huli habang hindi pa nito nababayaran ang naturang halaga.
    
Ayon pa rin sa Annual Audit Report ng COA, as of December 31, 2008, ang may pinakamaliit na record ng cash advances ng mga opisyal at empleyado ay sina Ginoong Ildefonso Chan at G. Romeo Faeldan na meron lamang P0.80 centavos at P0.90 centavos, ayon sa pagkakasunod-sunod. Si Ginoong Faeldan ay nagretiro na rin sa naturang paaralan.
  
Habang sinusulat ang balitang ito, marami pa sa limampung (50) opisyal at empleyado ang hindi pa nali-liquidate ang kanilang mga ginawang cash advances noong nakaraang taon kabilang na ang presidente ng naturang unibersidad.